Hindi ako naniniwala na kailanman ay magiging nakakatuwa ang baril at ang tunog nito. Maiintindihan niyo ako ‘pag sinabi kong kaya ayoko ng tunog ng baril, ako po ay naulila dahil sa baril. Ngayon alam niyo na kung bakit ako ganito. Batang-bata po ako, nawalan ako ng tatay dahil sa baril. Nung nabaril ang tatay ko, namatay ang tatay ko, napilitang mag-abroad ang nanay ko. Nung nag-abroad ang nanay ko, naulila ulit ako ng pangalawang beses at lahat ‘yun sinisi ko sa baril. Kailanman hindi nakakatuwa ang baril dahil ang baril ay hudyat ng kapahamakan. Ito ay simbulo ng karahasan. Kaya hindi ‘yan nakakatuwa. Para sa akin ang baril at ang tunog nito ang pinakapangit na nangyari sa sibilisasyon ng tao. Ito ang pinakapangit na nangyari at pumatay ito sa buhay ko. Ang baril ang pinaka-pangit na naimbento ng pinakabobong tao. Wala nang gaganda sa sandata ng panalangin at ngiti kaya para sa akin hindi nakakatuwa ang baril. Sana nauunawaan niyo ako. Isuko na natin ang baril. Sana makalimutan na natin ang tunog nito. Sana wala nang magandahan sa itsura nito. Sana kalimutan na natin na may nadiskubre at naimbentong baril.” —Vice Ganda (December 18, 2010)